<body bgcolor="black">
Friday, May 13, 2005

San ba nakakabili ng spark?


Remember Noringai? The writer of 'Parang Kayo, Pero Hindi'? Her latest piece titled 'San ba nakakabili ng spark?' was forwarded to me by Leny early today.

So I replied:

To: All Fleet Customer Service Officers
From: Maan

So saan nga ba nakakabili ng spark?

To: All Fleet Customer Service Officers
From: CK

Ang dami-dami mong spark... sipain kita dyan eh!

To: All Fleet Customer Service Officers
From: Maan

Oo nga. Ang dami... liliyab na ako!
Saan ba makakabili ng fire extinguisher?

Read on to understand the meaning of 'spark'.

---

San ba nakakabili ng Spark?
by Noringai


San ba nakakabili ng Spark?
Iyan ang tanong sa akin ni Lhen, isang kaibigan. May umaaligid daw kasi sa kanya na matinong lalake, kaya lang, wala siyang maramdamang spark. Kaya nagtatanong siya kung saan nakakabili ng spark.

Hindi ko alam ang sagot. Kung alam ko lang, eh di sana matagal na akong pumila para mamakyaw. Kailangan ko rin ng spark. Maraming-maraming spark.

Ano ba ang spark? Ito iyong kuryente na nararamdaman mo kapag kasama mo ang isang tao. Iyong nanlalambot ang tuhod mo. Iyong parang nauutal ka at ayaw gumana ng motor skills mo. Iyong kahit na anong gawin at sabihin niya, o kahit wala siyang ginagawa o sinasabi, kinikilig ka na. Kung hindi mo naman siya kasama, nangingiti ka kapag naiisip mo siya.

Ang tawag dun… spark. Magic. Kilig. Kuryente.

At iyon din ang hinahanap ko ngayon.

May isang lalaking may gusto sa akin. Mabait siya. May hitsura. Matino. Stable. Mature. May napatunayan na sa buhay. Maalalahanin. May konting sense of humor. At alam ko, aalagaan niya ako.

Siya iyong lalaking iuuwi mo sa nanay mo at alam mong magiging mabuting asawa at tatay ng mga anak mo.

Pero wala akong maramdamang “kilig.” Walang magic.

Lagi kong sinasabi, “He’s a ‘good on paper’ guy, pero walang spark. Kahit kiskisan ko man ng bato… wala talaga!”

Sabi ng mga kaibigan ko, hindi na daw importante ang spark. Hindi daw ito tiket para sa isang masaya at tumatagal na relasyon. Maraming factors ang dapat i-consider, hindi lang spark…

Aanhin mo ang spark kung lagi naman kayong nag-aaway? Aanhin mo ang spark kung hindi naman kayo nagkakasundo sa mga bagay-bagay? Kung hindi naman siya puwedeng mag-commit? Kung alam mo naman na masama siya para sa iyo?

Noong huling usap namin ni Lhen, sabi niya, baka daw bigyan na niya ng chance iyong manliligaw niya, kahit wala siyang maramdamang spark.

Pati tuloy ako, napapaisip na rin… Itutuloy ko ba kahit na walang spark? Magiging masaya kaya kami, kahit na hindi ako kinikilig sa kanya? Importante ba talaga ang “magic” sa isang relasyon?

“Baka naman nasa atin lang ang problema,” dagdag ni Lhen.

Mali nga ba ako kung maghanap man ako ng spark sa isang relasyon? Pang teenager na nga lang ba iyong “nanlalambot ang tuhod” chuva at kapag nasa 20s ka na ay nakakasuka na ang humangad ng kilig?

Siguro nga masyado na akong matanda para maghanap ng lalaking magbibigay sa akin ng “kilig” dahil hindi naman kami mabubusog doon at hindi rin puwedeng pambayad ng tuition ng magiging anak namin ang spark.

But I am also old enough to know what I want in a guy… and having that “kilig” feeling is one of them. At para sa akin, ang pakikipag-relasyon sa isang taong walang spark, ay maitutumbas na rin sa pagse-settle.

At ayokong mag-settle.

Pero di ako nawawalan ng pag-asa. Malay mo ngayon, walang spark. Pero eventually, sa tamang panahon, baka magka-spark na. Kung paano, hindi ko alam...

Meron kayang binebentang spark sa pinakamalapit na Mercury Drug o Mini-Stop? Saan nga ba nakakabili ng spark?

---
Kung nakakabili man ng spark na ito, I'm sure kukuha kami para ibenta sa Select. Siguradong ang taas ng benta namin.

Kung nakakabili ng spark, siguro nag-hoard na ng spark si Leng para kay Albert, si Connie para kay Joven, yung isa kong officemate na lalake para sa ex-officemate namin na babae, at si Ron ni CK para kay CK.

As for me, di ko kailangan ng spark. =)


Maan @ 12:46 AM
|



Welcome



"I am a poster girl with no poster. I am 32 flavors and then some..."


Who is Maan?


Very talkative, very frank to the point of being tactless. Major hyper active and super kulit. Tampuhin, selosa and madalas may topak. Psychotic but bearable most of the time. Pakialamera. Addicted to those excel quizzes and surveys forwarded through e-mail. Have learned how to say no to FREE FOOD and resist the temptation of buffets. Listens to The Morning Rush with Chico and Delamar and is a major fan of Sex and the City. Fiercely loyal to friends (especially the under dogs). Can't dance, can't sing, can't act but very OA (Outstanding Actress). Doesn't smoke, drink nor do drugs but definitely a great girl to hang out with (sagot ko na ang kwento). Cynical on the outside but a hopeless romantic deep inside. Tries not cry over a guy but will shed buckets of tears while watching a movie. Escapes from the real world by reading books, watching movies,and tv shows. Dreams of travelling the world someday and joining The Amazing Race with a friend who knows how to swim, ride a bike and drive a car.

...Nostalgia...


August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
September 2006
December 2006
June 2007


...other cool blogs...






...Cool Sites...


~carl
43 Things
PostSecret
Television Without Pity

Image hosted by TinyPic.com

Multiply
Friendster

Haloscan
Blogskins
Tiny Pic


...love me then leave me...




...just stuff...


Random Sex and the City Quotes



PinoyTopBlogs.com

Blogarama - The Blog Directory


Tracleer

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com